Monday, October 22, 2012

So Called "F's"


Nakakainis, pwede naman kasing tumanggi ang isang tao kapag inaaya, hindi yung kung kailan nakabiyahe na doon ko pa malalaman na ako pala ang gagastos para sa pamasahe nila, tapos ililibre ko pa pala sila pati sa gusto nilang bilhin o kakainin.

Bakit may mga ganung tao? Ang hilig manamantala, hindi naman porket may pera yung tao ay lagi ka ng manghihingi or magpapalibre sa kanya diba?

Isa pa, Bakit may mga taong katulad ko? hindi makatanggi sa kaibigan kapag nagpuppy dog face na siya minsan pa nga kahit di ko kaibigan nalilibre ko, para lang masabi niyang mabait or galante ako. :P
Kaso yung iba hindi "mabait" or "galante" yung naiisip eh ang unang reaction nila kapag nilibre ko sila "mayaman". Kapag nilibre lang mayaman agad? hindi ba pwedeng nakapagipon lang?

Badtrip, minsan naisip ko kaya siguro marami akong kaibigan kasi nalibre ko na silang lahat, na kaya nila ako laging inaaya pag may gala or inuman kasi alam nila na ako ang sasagot, na konting pilit lang sa akin libre na agad sila. Nako, Paano na lang kung wala pala akong pera, paano kung di ako pinanganak na laging binibigyan kahit di nanghihingi? edi wala na? wala na akong kaibigan?
Hindi ko nga alam kung totoo ba talaga sila sa akin o sobrang TANGA ko lang na hindi ko napapansin napapaligiran na pala ako ng mga Plastic.

"No one would remember the Good Samaritan if he'd only had good intentions; he had money as well." quoted by Margaret Thatcher

"People never around when you are down but they are present when you got a big check." -Anonymous

Human ATM Machine = Me